Eto na siguro yung event sa school year na natuwa sila lahat as of now. Napagod lang naman kami kakalakad para makapunta sa bawat lake na matatagpuan sa Laguna. Pinacount pa yung steps ha! Nakakaloka yung part na pababa yung lalakarin para makarating sa isang lake. Nagswimming na yung sapatos nung iba, yak! HAHA. Pero go lang ng go. Eto pa! Yung mud slide at swimming. Kamusta naman yung mga takot na bumaba dahil baka daw dumeretso sa bangin at sa mga nagswimming na sobrang baho nung pagakyat sa bus? de biro lang! Amoy mejbakal kasi sila nung pagakyat ng bus. Sa bus, ang ingay kasi share share sa pagkain. May tv na sa harap, may nagmomovie marathon pa sa tablets, oha san ka pa. Pinalagay pa sa ziplock yung foods namin kasi bawal daw magkalat (ugh) kaya ayon daming nakumpiskang pagkain kasi hindi nakalagay sa ganun (wawa naman). Pero all in all, obvious namang super saya at memorable nung fieldtrip!
Christmas Party! Isa sa mga araw na pinakaantay ng lahat. Sapagkat, matatanggap na nila ang mga bagay na gusto nila. Napagusapan namin na 200-450 ang budget para sa exchange gifts, pero truth be told, karamihan lampas sa presyong yon. Haha! Bagong kuha lang kasi ng allowance. Madaming pagkaing inihanda katulad ng palabok, grahams at bbq. Madami ring palaro! Egg catching, Trip to Jerusalem, Calamansi Relay & Paper Plates Relay. Makikita mo ang kasiyahan sa bawat ngiti at mata namin, dahil nag- enjoy talaga kami. New albums, books, clothes.. meron pa nga, skateboard! Lahat talaga ay nakatanggap ng gusto nila, kaya super saya at super worth it ng pagod at pawis. ;)